Milo Best SBP-Passerelle NCR finals

MANILA, Philippines - Magbubukas ang aksiyon sa junior basketball sa paghaharap ng NCR teams bukas para sa regional title ng 2009 Milo-sponsored BEST Center SBP-Passerelle tournament sa Saint Pedro Poveda Gym sa Ortigas.

Sa SBP division, maglalaban ang magkaribal na Ateneo de Manila at La Salle Greenhills para sa pangunahing premyo at karapatang kumatawan sa NCR sa national finals.

Umusad sa finals ang defending champion Blue Eaglets nang ilampaso nila ang Notre Dame of Greater Manila, 72-33, habang pinayuko naman ng La Salle ang Xavier School, 60-49.

Sasabak din sa aksiyon ang San Beda College at La Salle Greenhills para naman sa Passerelle title.

Tinalo ng Red Cubs ang Antipolo Lady of Lourdes, 81-42 at ginapi ng La Salle ang Xaviers, 81-79 para sa paghaharap nila sa finals.

Show comments