^

PSN Palaro

NBA Legends nasiyahan sa pagtanggap ng mga Pinoy

-

MANILA, Philippines - Bagaman hindi na ito makakapagpasikat sa pamamagitan ng kani-kanilang markadong tirada, isang magandang tapatan ang masasaksihan sa pagrampa ng 2009 NBA Asia Challenge sa Setyembre 11 sa Araneta Coliseum.

 Siniguro ng 62 anyos na si Kareem Abdul Jabbar, 6-time MVP noong kanyang kapanahunan, sa laksang taong dumalo sa naturang pagtitipon, na gagawin nila ang lahat para makapagbigay ng isang magandang laro.   

 “Basketball is something we grew up with in our culture,” wika niya sa mga naroroon sa press conference habang nakikinig ang mga kapwa niya NBA superstars na sina Robert Horry, Dominique Wilkins, Vlade Divac at Tim Hardaway, na lahat ay nakasuot ng all-black outfit at nagpahayag ng kasiyahan sa pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy.

Kasama din ni Jabbar ang NBA Generations, na kinabibilangan nina Deve-lopmental League standouts Derrick Dial, Marcus Habbard, Chris Ellis, Lanny Smith, Billy Thomas at Russell Robinson.

 “I’m glad with this kind of a reception -- one of the best I’ve ever had,” wika naman ni Horry, na nasiyahan nang mula pa lamang sa paglabas sa tube ng airport ay hinihiyaw na ang kanyang pangalan.

 “I can’t believe they know me here,” masayang wika ng Will Smith lookalike na kilala sa kasaysayan ng NBA bilang “clutch shooter”.

Makakaharap ng NBA Generations ang PBA All-Stars na babanderahan ng mga nakalipas, kasalukuyan at future stars na sina Alvin Patrimonio, Allan Caidic, Benjie Paras, Kenneth Duremdes, Ronnie Magsanoc, Willie Miller, Arwind Santos, Asi Taulava, Dondon Hontiveros, Marc Pingris, Wynne Arboleda, Jay-R Reyes, Joseph Yeo, Enrico Villanueva at Sonny Thoss.

Ang PBA stars ay igigiya ni Yeng Guiao at siya mismo ay na-starstruck sa mga NBA stars kahapon.

 “The problem is we’re all starstruck. I am starstruck,” pag-amin ni Guiao, na nagsabing natatanging pagkaka0taon ito na nasa kabilang court ang mga maalamat na si Jabbar at stars na sina Horry, Wilkins, Divac at Hardaway. (SNFrancisco)

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

ASI TAULAVA

ASIA CHALLENGE

BENJIE PARAS

BILLY THOMAS

CHRIS ELLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with