Stags matatag na sa Final Four: Letran kumapit
MANILA, Philippines - Sumandal ang San Sebastian sa eksplosibong pagsisikap ni Jimbo Aquino nang durugin ng Stags ang Mapua, 101-65 upang masungkit ang unang Final Four berth sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Nag-init ang mga kamay ni Aquino nang tumirada ito ng 30 puntos na tinampukan ng apat na tres para sa ika-13th panalong Stags, isang pananalasa na tumabon sa 12 sunod ng San Sebastian noong 1997 patungo sa pagsungkit nila sa five-peat na tagumpay.
Bunga ng panalong ito, umusad din papalapit sa posibleng sweep na maaring magdederetso sa kanila sa best-of-three finale.
Sa inisyal na laban, kapit-tuko sa pang-apat na puwesto, binaon ng Letran ang guest team na Angeles U Foundation sa pamumuno ng beteranong pares nina RJ Jazul at Rey Guevarra sa pamamagitan ng 100-83.
Kapwa nabihasa sa Smart Gilas Pilipinas, kumamada ng 6 na tres sina Jazul at Guevarra upang maglimbag ng tig-26 points para ibigay ang ikasampung panalo ng Knights. at patatagin ang kapit sa No. 4.
Samantala, para sa aksiyon sa juniors division, binanatan ng Letran ang namulubing AUF, 153-32 para ibandera ang 14-0 perpektong baraha habang sumusunod sa yapak, pinatumba ng four peat titlist San Sebastian ang Mapua, 89-61 para pagandahin ang 10-4 kartada.
Nabura ang makasaysayang 15 triples ng Cardinals, nang maglista ang Squires ng 16 na tinampukan ng midcourt buzzer beater ni Patrick Ang. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending