^

PSN Palaro

Baay, Palencia wagi sa San Pablo leg

-

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines - Napagwagian ni Michael Baay ang men’s title at si Jean Palencia naman ang nanguna sa kababaihan sa San Pablo leg ng 33rd National Milo Marathon elimination noong Linggo.

Naorasan si Baay ng 1:17.02 habang si Palencia naman ay 1:36.00 sa 21K distance na dumaan sa pangunahing kalsada na natatanaw ang Sampaloc Lake.

Ngunit kapos ang kanilang pagsisikap, dahil kapos ang kanilang oras para makapasok sa national finals at makuntento na lamang ang dalawang UAAP standout mula sa University of Santo Tomas sa premyong tig-P10,000.

Pumangalawa naman si Wilson Manangquil (1:17.34) at ikatlo si Jesse Ano.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon na walang kinatawan ang San Pablo sa grand finals. Ang iba pang lungsod na walang kinatawan ay ang Santiago (Isabela) at Tagbilaran (Bohol).

Kumapit naman si Divine Grace Tapit sa ikalawang puwesto at ikatlo si Cinderella Agana sa ikatlo sa kababaihan.

Napagwagian naman ni Rene Lardera ang 10k sa kalalakihan at si Riza Pica ang nagreyna sa kababaihan.

Kasabay ng San Pablo qualifying race ang Dumaguete City Leg na napagwagian naman nina Anthony Babiera sa men’s side at Miscelle Guilbuena sa kababaihan.

May kabuuang 234 runners ang nakapasok matapos ang 26-leg, three-island hopping elimination. Darating sila sa Manila na libre ang lahat ng gastos sa Oktubre upang hamunin sina reigning men champion Eduardo Buenavista at women queen Mercedita Manipol sa 42K finals.

ANTHONY BABIERA

CINDERELLA AGANA

DIVINE GRACE TAPIT

DUMAGUETE CITY LEG

EDUARDO BUENAVISTA

JEAN PALENCIA

JESSE ANO

MERCEDITA MANIPOL

MICHAEL BAAY

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with