Reyes, Bustamante umusad sa finals
MANILA, Philippines - Matatag ang kalibre sa naturang isport, muli na namang sumabak ang Pilipinas para sa isang malaking kumpetisyon ng bilyar.
Hinawi ang lahat ng kalaban, muling narating ng tambalang Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ang finals para makipagtunggali kina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany sa 2009 PartyCasino.net World Cup of Pool na ginanap sa The Annex ng SM North EDSA Mall, Quezon City.
Dinispatsa nina Reyes at Bustamante ang pambato ng Tsina na sina Fu Jian-bo at Li He-wen para ipagmalaki ang talentong Pinoy, subalit bigo namang isulong ang all Filipino finale nang sarguhin ng Souquet-Hohmann duo ang panalo sa duelo kontra sa RP-A team nina Dennis Orcollo at Ronnie Alcano, 9-6.
"Philippines-Germany is the better finale. It's gonna be a great match," sabik na pahayag ni Hohmann. "Efren Reyes is my favorite player. A final match with him and his partner Django Bustamante will be another highlight of my career," papuring wika naman ni Souquet.
Nakahanap ng pagkakataon, sinamantala ng Germany ang crucial miss ni Alcano sa critical moment para nakawin ang pwesto sa finals.
Makaraang humatak ng 6-6 pagtatabla, gumawa ng miscue si Alcano na nagbigay daan sa Germans na makuha ang momentum tungo sa pagsungkit ng panalo sa harap ng manonood na kinabibila-ngan ni Pinoy boxing champion Brian Viloria.
Dahil dito, natapos ang pakikipagsapalaran ng se-cond seed RP-A at nag-uwi na lamang ng $16,000 bilang premyo sa semis ng prestihiyosong event na ipiniprisinta ng Matchroom sport.
Unang nakarating sa finals ang tambalang Reyes at Bustamante nang makahnap ng butas ang Pinoy duo sa 1-2 carom na mintis ni Fu upang basagin ang pagkakatabla.
Kasalukuyang nilalaro pa ang finals habang sinusulat ang balitang ito. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending