Milo Marathon sa San Pablo at Dumaguete

MANILA, Philippines - Matapos ang walong buwang nationwide racing sa paghahanap ng mga bagong talento, magtatapos ang 33rd National Milo Marathon elimination sa linggo sa lungsod ng San Pablo at Dumaguete.

May 9,000 runners ang tatakbo sa San Pablo na kilalang "City of Seven Lakes" at 8,000 sa Dumaguete kung saan matatagpuan ang pinakamatandang institution -- ang Siliman University.

Bukod sa 21k elimination run, mayroon ding 10k, 5k fun run at 3k kiddie run bilang side events sa karerang suportado ng Department of Tourism at Bayview Park Manila.

Ang top three runners sa 21k ay mananalo ng P10,000, P6,000 at P4,000 at trip tickets sa finals kung papasa sila sa qualifying standard time na 1:15 sa men at 1:30 sa women.

Sa 26-leg, three-island hopping elimination na pinangasiwaan ni MILO Marathon national organizer Rudy Biscocho, tanging sa Santiago sa Isabela at Tagbilaran, Bohol ang walang nakasama sa National Finals sa October 11, 2009.

Titipunin ang mga qualifiers sa Manila, all expenses paid upang hamunin sina reigning champions Eduardo Buenavista at Mercedita Manipol sa 42k course kung saan ang champion sa men at women divisions ay mag-uuwi ng P75,000.

Show comments