Dementieva, Jankovic sibak
NEW YORK-- Kapwa napatalsik sina dating finalists Elena Dementieva at Jelena Jankovic sa magkasunod na sorpresa sa Arthur Ashe Stadium sa US Open.
Tinalo ng American teenager na si Melanie Oudin ang No. 4 na si Dementieva, 5-7, 6-4, 6-3 at pinayuko naman ni Yaroslava Shvedova ng Kazakshtan ang No. 5 na si Jankovic, 6-3, 6-7 (4), 7-6 (6) sa dalawang oras at 40 minutong paluan.
Nalusutan naman ni No. 1 Dinara Safina, na muntik na ring masilat, si 67th rank Kristina Barrois ng Germany, 6-7 (5), 6-2, 6-3.
Natalo din si No. 23 Sabine Lasicki ng Germany na nainjured at inilabas na nakasakay sa wheelchair, kay Anastisia Rodionova ng Australia, 6-3, 3-6, 7-5.
Wala namang nasibak sa kalalakihan. Nanaig sina Novak Djokovic at limang Americans na sina No. 5 Andy Roddick, No. 21 James Blake, No. 22 Sam Querrey, 55th pick John Isner at 276 ranked Jesse Witten.
- Latest
- Trending