MANILA, Philippines - Wala pang isang linggo mula ng igupo ni Brian Viloria si Jesus Iribe ng Mexico, at mapanatili ang kanyang IBF light flyweight crown sa Hawaii, nais na muling umakyat nito sa ibabaw ng ring.
“I feel hot. I feel I can fight tomorrow,” ani Viloria kahapon sa press conference ng Solar Sports sa Crowne Plaza sa may Ortigas Avenue.
Katabi ang kanyang girlfriend na si Erica Navarro na kasama niyang dumating sa bansa, umupo ito sa presidential table na kinabibilangan din ni world champion Manny Pacquiao.
Inaasahan ni Viloria na mas mabigat ang kanyang mga susunod na laban sa pag-akyat nito mula sa 108 sa 112 o kaya sa 115 lb.
“Hopefully everything falls into place,” ani Viloria, na inaasahan ang laban kontra kay undefeated Ivan Calderon na nakatakdang humarap kay Filipino Rodel Mayol. “I want to get as many title defenses. I feel much better than I was two years ago. I want to keep going and going. I want to keep on fighting,” sabi pa ng 28-gulang na si Viloria.
Inspirasyon ni Villoria si Pacquiao.“Manny’s an inspiration to all of us. I trained with him at the Wild Card before and he really inspired me. He’s raised the bar so high so I want to raise my own bar as high. That’s how he motivates me,” aniya.
“Thank you,” ang tanging sagot ni Pacquiao at ngumiti kay Villoria. (Mae Balbuena)