^

PSN Palaro

Espino lilipat na sa Coca-Cola?

-

MANILA, Philippines - Sa nakalipas na isang dekadang pamamalagi sa Sta. Lucia team, aalis na ang 6’6 center na si Dennis Espino at tutungo sa Coca-Cola Tigers.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabing pinaplantsa na ng Coca-Cola at Sta. Lucia ang transaksiyon ng paglipat ni Espino sa Tigers kung saan makakasama niya uli ang mga dating kakamping sina Kenneth Duremdes, Gerard Francisco at Alex Cabagnot .

Sinabi din ng source na nakipag-usap na si Espino kay Coca-Cola top official JB Baylon bago ito umalis ng bansa patungong Spain kasama ang kanyang maybahay.

Tila may problema ang Realtos tungkol sa salary cap ng liga kung kaya’t ipinamimigay ang mga key players nila.Noong Miyerkules ibinigay ng Sta. Lucia si Denok Miranda sa San Miguel Beer.

Makakapalit nito ang draft pick ng Tigers sa hinaharap.

At sa paglalaro sa Coca-Cola, lalaro ito sa ilalim ni coach Kenneth Duremdes na dati niyang kakampi sa Sta. Lucia at ilang national team sa ilang international tournaments. (Nelson Beltran)

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

DENNIS ESPINO

DENOK MIRANDA

GERARD FRANCISCO

KENNETH DUREMDES

NELSON BELTRAN

NOONG MIYERKULES

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with