^

PSN Palaro

Chinese-Taipei, Poland, Holland at Russia lusot

-

MANILA, Philippines - Sumandal sa dalawang error ng kalaban, nalusutan ng Chinese-Taipei ang ma-tinding hamon ng Singapore at itarak ang 8-6 panalo habang umusad din ang Poland, Holland at Russia sa susunod na round sa pagpapatuloy ng sarguhan sa 2009 World Cup Of Pool sa SM North Annex kahapon.

Dalawang error ang ginawa ni Chan Keng-kwang ng Singapore sa huling dalawang racks na agad na kinapitalisa ng Taiwanese players para makahulagpos mula sa huling tabla sa 6-6.

Kumabyos ang dalawang safety ni Chan Keng-kwang ng Singapore sa 13 at 14 rack nang sumablay ang 3-red ball na nagsulong sina Yang Ching-shun at Lai Chia-hsiung .

Umiskor naman ng 8-0 panalo ang tambalan nina Mateusz Sniegocki at Radoslaw Babica ng Poland upang idiskaril ang Belgian team na sina Serge Das at Pascal Budo.

Hindi rin nagpahuli sina Niels Feijin at Nick van den Berg ng Holland at Ruslan Chinakhov at Konstantin Stepanov ng Russia na nag-lista ng magkatulad na 8-1 panalo.

Habang sinusulat ang balitang ito. kasalukuyang nakikipagsarguhan sa Last 16 sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante kontra sa Italian team nina Bruno Muratore at Fabio Petroni.

Nakikipagtumbukan naman sina defending champion Rodney Morris at Shane Van Boening ng US sa Indonesian pair nina Muhammad Bewi Simanjuntak at Muhammad Zulfikri.

Makaraang gapiin ang Thais na sina Nitiwat Kanjannasri at Surepthep Phoochalam, 8-5 noong Martes ng gabi, nakatakda naman makalaban nina Dennis Orcollo at Ronato Alcano sina Kristoffersen at Lotfy ngayon para sa puwesto sa quarterfinals sa Sabado.

BRUNO MURATORE

CHAN KENG

DENNIS ORCOLLO

FABIO PETRONI

KONSTANTIN STEPANOV

LAI CHIA

MATEUSZ SNIEGOCKI

MUHAMMAD BEWI SIMANJUNTAK

MUHAMMAD ZULFIKRI

NIELS FEIJIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with