^

PSN Palaro

ABL didribol na sa Oktubre

-

MANILA, Philippines - Inilunsad na kahapon ang Asean Basketball League, ang kauna-unahang commercial tournament na may home-and-away format at inaasahang magpapalakas ng interest at magbabalik sa kasikatan ng basketball sa Southeast Asian region.

Anim na koponan na pangungunahan ng Philippine Patriots, na pag-aari ni RP amateur basketball godfather at cycling chief Mikee Romero, ang sasabak sa aksiyon sa panimulang season ng liga na itinatag para makadiskubre ng local talents sa rehiyon na may populasyon na 600 milyong katao.

Mismong si ABL chairman Dato Tony Fernandes, entrepreneur at founder ng Air Asia, ang dumalo sa paglulunsad ng torneo sa Renaissance Hotel sa Makati City.

Ang liga, na bubuksan sa Oktubre 10 sa Singapore at magtatapos sa January sa susunod na taon, ay binubuo ng Patriots, Brunei Barracudas, Kuala Lumpur Dragons, Satria Muda Britama ng Indonesia, Thailand Tigers at ng pinapaborang Singapore Slingers.

Sinabi ni Romero na isang natupad na pangarap ito para sa SEA basketball.

Ang Philippine Patriots ay igigiya ni coach Louie Alas. (Mae Balbuena)

AIR ASIA

ANG PHILIPPINE PATRIOTS

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

DATO TONY FERNANDES

LOUIE ALAS

MAE BALBUENA

MAKATI CITY

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE PATRIOTS

RENAISSANCE HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with