^

PSN Palaro

RP boxers sasabak na sa aksiyon

-

MILAN - Nakapasa sa weight limit sina light-flyweight Harry Tañamor at apat pang kasama sa wiegh-in kahapon ng umaga at naghahanda na para sa pag-akyat nila sa ring sa 2009 AIBA World men’s amateur boxing championships.

‘’Handa na po sir. Lalaban kami,’’ nakangiting wika ni Tañamor habang pabalik ito sa kanyang kuwarto sa 960 room Ripamonti Residence na tinitirhan ng may 500 boxers mula sa 100 bansang kalahok sa 10-day tournament na ito.

Kasama sa mga sinusubaybayan ng mga coach na sina Patricio Gaspi at Ronald Chavez sina bantamweight Joan Tipon, featherweight Charly Suarez, lightweight Joegin Ladon at light-welterweight Genebert Basadre habang tumatakbo, shadow boxing at calisthenics kasama ng ibang boksingerong nagsasanay sa ilalim ng napa-kagandang umaga.

Walang Pinoy ang nahirapan sa timbangan na ikinatuwa ng dalawang coach isang araw bago simulan ang biennial meet na ito sa fashion capital ng mundo.

“Lahat okay ang timbang at saka maganda ang kinilos kanina sa workout,’’ wika ni Gaspi, na namahala sa isang buwang pagsasanay ng koponan sa tulong ng dalawang Cuban coach sa Havana, Cuba bago dumeretso dito.

At walang kakurap-kurap, sinabi ng dalawang Pinoy coach na ang pinakamaningning nilang pag-asa na makakakuha ng gintong medalya ay si Tañamor kung saan gumawa din ng impresibong performance ang naturang boksingerong Pinoy dito may dalawang taon na ang nakalilipas.

Si Tañamor ang may-ari ng apat na bronze medal na napagwagian ng mga Pinoy sa naturang torneo na sinanay ng mga dakilang Cuban na sina Felix Savon (6 world titles) at Teofilo Stevenson (3 world titles) at dating American heavyweight Tyrell Biggs.  Napagwagian niya ang unang bronze medal sa 2001 sa Budafest, Ireland bilang rookie at dinuplika noong 2003 sa Bangkok, Thailand.

CHARLY SUAREZ

FELIX SAVON

GENEBERT BASADRE

HARRY TA

JOAN TIPON

JOEGIN LADON

PATRICIO GASPI

PINOY

RIPAMONTI RESIDENCE

RONALD CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with