Looney Tunes Active Fun Run sa MOA
MANILA, Philippines - Isasara ng Looney Tunes Active Fun Run ang dalawang buwang running events sa iba’t ibang paaralan sa metropolis sa pagtatanghal ng grand run bukas (Linggo) sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City kung saan inaasahan ang may 1,000 ang lalahok.
Ang events na itatakbo ay ang 3K para sa mga kabataang may edad 12 anyos pababa na magsisimula sa alas-7 ng umaga at 5K para sa may edad na sisimulan naman sa alas-6 ng umaga.
Magtatapos na rin ang pagpapalista ngayon na may bayad na P300 sa 3K o 5K at P500 sa dalawang kategorya. Para sa ilang detalye at on-line na pagpapalista mag-log on sa www.looneytunesactiverun.com.ph o bumisita sa Nike Park sa Bonifacio High Street.
Ang cartoon character na si Bugs Bunny ang magpapaputok ng starting gun sa MOA fun run na ginanap din sa Miriam, Ateneo, Poveda, San Beda-Alabang, La Salle-Zobel, Southville at Reedley International schools.
May naghihintay na premyo sa top three finishers sa boys at girls category sa 8-and-below at 9-12 age group categories ng naturang event na proyekto ng Warner Bros. na nagpo-promote sa malusog at aktibong pamumuhay ng mga kabataan at may edad.
Bahagi din ng programa na hatid ng Alaska, Goldilocks, Timex watches, Nestle Ice Cream, PT Kino, Sterling, JC Lucas, at Advance notebooks, ay ang basketball 3-on-3 sa ganap na ala-una ng hapon.
- Latest
- Trending