Aguilar, di pa pumipirma sa BK, malamang ma-ban sa PBA

MANILA, Philippines - Hindi pa nakakapirma ang PBA top draft pick na si Japeth Aguilar sa Burger King dahil mas gusto raw nitong maglaro sa Smart-Gilas team ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Dahil dito posibleng ma-ban sa PBA ang anak ng dating PBA star na si Peter na lumaro sa Powerade Pilipinas team sa nakaraang FIBA-Asia Cup sa Tianjin, China at posible ring maharap sa kaso sakaling magdesisyon ang Burger King na dalhin sa korte ang isyu.

Ito ang pahayag ni Lito Alvarez, presidente ng Air21 na bahagi ng management ng Burger King na panauhin sa SCOOP Sa Kamayan session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura kahapon.

Hindi pinirmahan ng 6-foot-9 na si Aguilar, lumaro sa University of Western Kentucky veteran sa U.S. NCAA Division I, ang P8.76 milyong three-year contract na inihain sa kanya ng Burger King ng dating Air21.

“Upon the ill-advice of his agent, he relented signing up in his letter sent to us where he reaffirmed his desire to play for Gilas-Smart team,” ani Alvarez na tinutukoy ang newspaper columnist na si Ronnie Nathanielsz, na sinasabing agent ni Aguilar.

Ayon kay Alvarez inalok ng Smart-Gilas si Aguilar ng three-year deal na nagkakahalaga ng P8.7 million.

“I, definitely will bring this case to the PBA board if Japeth doesn’t reconsider. I really do not know what the sanctions are (if he doesn’t sign). A ban maybe. Ayoko naman mangyari sa kanya yun. I am still hoping that he will reconsider his decision. Pero kung hindi siya lalaro, we’ll teach him a lesson. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya kapag board na ang nag-decision,” ani Alvarez. (Mae Balbuena)

Show comments