^

PSN Palaro

Titulo 'di ibibigay ni Viloria

-

MANILA, Philippines - Hanggat maaari ay gusto ni Brian "The Hawaiian Punch" Viloria na magtagal ang kanyang pagiging bagong light flyweight champion sa Internatiional Boxing Federation (IBF).

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Viloria, ang ninuno ay tubong Ilocos Sur, na wala siyang ibang gusto kundi ang patuloy na isuot ang kanyang IBF crown.

"Let's make it a good and entertaining fight," ani Viloria kay Mexican challenger Jesus "Azul" Iribe. "But I promise you that the title will stay here and I intend to keep it for a long time."

Nakatakdang idepensa ng 28-anyos na si Viloria ang kanyang IBF light flyweight title laban sa 30-anyos na si Iribe bukas sa Blaisell Center sa Honolulu, Hawaii.

Ito ang unang title defense ni Viloria matapos niyang agawin ang IBF belt mula kay Mexican Ulises "Archie" Solis via 11th-round TKO noong Abril 19 sa Araneta Coliseum.

Tangan ni Viloria, miyembro ng Olympic team ng United States noong 2000, ang 25-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs, habang dala ni Iribe ang 15-5 (9 KOs) card.

Ito rin ang unang pagkakataon na lalaban si Viloria sa Hawaii matapos noong 2003 nang talunin niya si Mexican Valentin Leon via eight-round TKO sa Sheraton Waikiki Hotel.

"We respect the champion but we are going home with the title," sabi ng manager ni Iribe, huling nakatikim ng kabiguan noong Pebrero 9, 2008 mula sa kanyang unanimous decision loss kay Edgar Sosa, na si Alejandro Brito.

Si Sosa ang bumigo kay Viloria sa kanilang agawan para sa bakanteng WBC light flyweight crown via majority decision noong Abril 14, 2007. (Russell Cadayona)

ABRIL

ALEJANDRO BRITO

ARANETA COLISEUM

BLAISELL CENTER

BUT I

EDGAR SOSA

HAWAIIAN PUNCH

IRIBE

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with