^

PSN Palaro

Letran, Arellano magsusukatan ng tunay na lakas

-

MANILA, Philippines - Sa isang krusyal na laban magkakasukatan kung sino ang nararapat makapasok sa Final Four.

Sa ganap na alas-2 ng hapon, maghihiwalay ng landas ang Letran at Arellano para madetermina ang kanilang hangganan sa 85th NCAA basketball tournament.

Tablado sa ikaapat na pwesto na may 7-4 kartada, huhukayin ng Chiefs ang enerhiya para masundan ang 81-72 panalo kontra Knights sa unang round habang isusulong naman ng Letran ang paghihiganti sa dating umapi.

“We know we beat them (Letran) in the first round but things are different now so we have to be ready on how they will adjust,” ani Arellano U coach Junjie Ablan.

Bagaman nasa ilalim, pilit bubuhayin ng Perpetual Help at Emilio Aguinaldo ang pag-asa na makalusot at makaakyat sa Final Four bid para sa pang-alas dos na laban.

Dahil sa pinakawalang 17 at 14 points nina Giorgio Ciriacruz at Adrian Celada sa nakaraang paghaharap, naging malaking tinik ito para sa Knights.

Bumibilis din ang pagbabago ng Chiefs kumpara sa Knights, na bagamat naglatag ng fullcourt trapping pressure defense ay naupos maman matapos ang nakakahiyang kabiguan.

Ito ang pangunahing dahilan para sa kanilang rematch sa Arellano ay higit na magiging agresibo ito.

“They were more aggressive than us when we first faced them, so we need to put more effort and be more aggressive on both ends if we want to have a chance at beating them,” pahayag ni Letran mentor Louie Alas.

Gayunpaman, dapat makapag-isip ng panibagong estratehiya ang Letran at mapainam ang naitalang 17 points ni Rey Guevarra at 15 points kontribusyon ni Jaypee Belencion at limitadong 8 points marka ni RJ Jazul.

Ngunit nakabawi si Jazul at nanumbalik sa pamatay na porma at ang kanyang pagsisikap ay nagdulot mga 92-66 na paggiba sa Emilio Aguinaldo College sa likuran ng kanyang 21 puntos, 13 assists, 5 rebounds at 4 steals na isang indikasyon na kailangan niyang maisagawa uli ang ganitong laro. (SNF)

ADRIAN CELADA

ARELLANO

ARELLANO U

EMILIO AGUINALDO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GIORGIO CIRIACRUZ

JAYPEE BELENCION

JAZUL

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with