^

PSN Palaro

Pagdepensa sa titulo ng American duo pipigilan ng mga Pinoy pair

-

MANILA, Philippines - Magbabalik para sa isang mas matinding sarguhan, magpapakitang gilas ang kampeong duo nina Rodney Morris at Shave Van Boening para sa PartyCasino.net World Cup of Pool na sasargo simula Setyembre 1-6 sa SM City North EDSA.

Kabilang sa mga malalaking pangalang babandera at handang talunin ang mga Kano sa kumpetisyon na may nakatayang $60,000 ay sina Efren `Bata’ Reyes at Francisco `Django’ Bustamante ng Pilipinas at 2007 champion Li Hewen at Fu Jianbo ng China.

Binubuo ng may 32 teams ang lalahok sa torneong inorganisa ng Matchroom Sports sa pakikipagtulungan ng Solar Sports ng Pilipinas.

Ang iba pang nagnanais maiuwi ang prestihiyosong korona ay kinabibilangan nina dating world champion Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany, Dutchmen Nick Van Den Berg at Niels Feijen, at reigning World 10-Ball champion Darren Appleton ng England, na makakapareha ni Imran Majid.

 Samantala, bilang host ng naturang six day competition, mayroong pagkakataon ang Pilipinas na magkaroon ng dalawang kinatawan.

Kinokonsidera bilang dark horse, sasabak sa laban ang two time world titlist Ronnie Alcano at money game Dennis Orcollo.

Sa unang pagkakataon rin sa kasaysayan ng pool, magkakaroon ng all female team na ipaparada ng Korea sa pangalan ng women’s world No.1 player Ga Young Kim at Yun Mi Lim. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

CITY NORTH

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DUTCHMEN NICK VAN DEN BERG

FU JIANBO

GA YOUNG KIM

IMRAN MAJID

LI HEWEN

MATCHROOM SPORTS

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with