Reperi sa huling laban ni Cotto, pabor kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Sino pa ba ang makakapagbigay ng magandang prediksyon kundi ang mismong reperi sa hu-ling laban ni Miguel Angel Cotto sa Madison Square Garden sa New York City.

Sa pana-yam ng Doghouseboxing.com kahapon, sinabi ni referee Arthur Mercante, Jr. na magiging bentahe ni Manny Pacquiao ang bilis nito laban kay Cotto.

"Pacquiao is very fast and accurate with his punches I just believe that Cotto has not had enough time to heal from the Clottey fight," ani Mercante.

Sa kabila ng putok na sa kanyang kanang kilay at ilang beses na pagkakatama kay Clottey, nailusot pa rin ng Puerto Rican ang isang split decision kontra kay Joshua Clottey, ang Ghana fighter, para mapanatiling suot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

Ang naturang mga su-gat ang nakikita ni Mercante na makakaapekto sa galaw ng 28-anyos na si Cotto sa kanilang upakan ng 30-anyos na si Pacquiao.

"Cotto is a tough kid but I think he is taking this fight too soon after the bad cut suffered from the Clottey fight," ani Mercante. Nakatakda ang salpukan nina Pacquiao at Cotto, itataya ang suot na WBO welterweight belt, sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ibinabandera ni Pacquiao, nagkampeon sa flyweight, super bantamweight, super featherweight, lightweight at light welterweight division, ang 49-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 37 KOs kum-para sa 34-1-0 (27 KOs) ni Cotto.

Kumpara sa iba, mas pinili ni Mercante na huwag nang magbigay ng prediksyon ukol sa banggaan nina Pacquiao at Cotto.

"I don’t want to pick a winner because it could come back to haunt me," ani Mercante. "I might get the call to work one of these fights as a referee or a judge and by picking a winner I would have already compromised myself." (Russell Cadayona)

Show comments