500 runners lalahok sa Looney Tunes Active Fun Run
MANILA, Philippines - Mahigit 500 runners ang inaasahang makikibahagi sa Looney Tunes Active Fun Run, sa Linggo sa SM Mall of Asia.
Ang karerang para sa mga bata at matatanda na may premyo sa top honors sa 3k at 5k categories. Maaari pang magpalista at may entry fee na P300 kahit alin sa 3K at 5K runs at P500 para sa dalawang categories. Para sa detalye at on-line listup, mag-log on sa www.looneytunesactiverun.com.ph o bumisita sa Nike Park sa Bonifacio High Street.
Ang MOA fun run, na pakakawalan ni Bugs Bunny sa alas-6:00 ng umaga ang highlight ng series ng running events para sa kabataang may edad na 4-12 na ginanap sa iba’t ibang eskuwelahan sa metropolis matapos makibahagi ang Warners Bros.,sa pamamagitan ng Looney Tunes, sa kampanya ng awareness sa running bilang competitive sport.
Ang 5K run, isang open event, ay magsisimula sa alas-6:00 ng umaga habang ang 3K run, na bukas para sa mga batang 12-gulang pababa ay gaganapin sa alas-7:00 ng umaga.
May naghihintay na premyo sa top three finishers sa boys at girls categories sa 8-and-below at 9-12 age group categories ng event, isang proyekto ng Warner Bros. para i-promote ang healthy at active lifestyle sa mga bata at matatanda.
Bilang karagdagang saya sa event na suportado ng Alaska, Goldi-locks, Timex watches, Nestle Ice Cream, PT Kino, Sterling, JC Lucas, at Advance notebooks, ay ang basketball 3-on-3 sa ala-una ng hapon.
- Latest
- Trending