MANILA, Philippines - Sa pagdating nina NBA Legends Kareem Abdul-Jabbar, Dominique Wilkins, Robert Horry, Tim Hardaway, Vlade Divac at NBA D-League Players dito sa bansa para sa pinakamalaking NBA invasion, magiging handa ang PBA All Stars team para sa kanila.
Babanderahan nina PBA legends Alvin Patrimonio, Allan Caidic, Ronnie Magsanoc, Benjie Paras at Kenneth Duremdes ang local team na palalakasin ng mga kasalukuyang PBA stars na sina Wynne Arboleda, Arwind Santos, Sonny Thoss, Willie Miller, Japeth Aguilar, Joseph Yeo, Dondon Hontiveros, Enrico Villanueva, Jay-R Reyes at Marc Pingris sa kauna-unahang NBA-PBA exhibition game sa kasaysayan.
Ang NBA Legends at NBA-Challenge League Futures ay igigiya ni Kareem Abdul-Jabbar, isa sa 50 Greatest Players sa kasaysayan ng NBA at miyembro ng Naismith Memorial Basketball Hall miyembro ng All-Star--Dominique Wilkins ay miyembro ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame at nine-time NBA All-Star; Robert Horry, seven-time NBA Champion; Tim Hardaway, five-time NBA All-Star; at Vlade Divac, 2001 NBA All-Star.
Igigiya naman ni Yeng Guiao ang PBA All-Star.
Ang napakalaking event na tinaguriang NBA Asia Challenge ay magaganap sa Biyernes, Setyembre 11, sa Araneta Coliseum bandang alas-7:30 ng gabi. Tampok din ang New Jersey Nets Dancing Divas na magpapamalas ng kanilang natatanging sayaw at ang New Jersey Nets na si mascot Silver Fox naman ay magpapakitang-gilas sa mga manonood sa kanyang mapanganib at nakakatuwang dunks .
Habang naririto sa Pilipinas, magsasagawa rin ang NBA stars ng community events bilang bahagi ng NBA Cares, isang social responsibility commitment ng NBA.