Pacman pinapaboran sa online betting
MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay may kanya-kanya nang prediksiyon kung sino ang mananalo sa laban ni Manny Pacquiao at ni Miguel Cotto.
Sa mga online betting, pinapaborang manalo si Pacman ngunit isang dating boxing champ na tinalo ni Cotto ang nagsabing pababagsakin ni Cotto ang Pinoy Boxing hero na kinikilalang pinakamahusay na pound-for-pound boxer ngayon.
Isa lamang ang sigurado, magandang laban ito at hindi ito magiging katulad ng huling laban ni Pacquiao kontra kay Ricky Hatton na pinabagsak niya sa ikalawang round lamang.
Inaasahang tatagal ang laban at magkakatalo sa scorecard.
Bentahe ni Pacquiao ang kanilang tambalan ng trainer niyang si Freddie Roach.
Ang kanilang tandem ay naging mabisang pormula sa sunud-sunod na panalo ni Pacquiao.
Sa kabilang dako, bago lang ang trainer ni Cotto.
Kumalas si Cotto sa matagal na niyang trainer at tiyuhin na si Evangelista.
Kinuha ni Cotto bilang trainer si Joe Santiago na hindi pa nasusubukan.
Kaya naman maagang nagsimulang magtraining si Cotto upang paghandaan ang mapanganib na “speed’ ni Pacquiao. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending