Hongkong netter yuko kay Mendoza

MANILA, Philippines - Pinabagsak ni Jurence Zosimo Mendoza ang kalabang Hong Kong bet na si Lee Ho-China, 7-5, 7-6 (5), upang ipagpatuloy ang laban ng mga local bets matapos makapasok sa finals ng Tan Ho Cup Asian 14-U Tennis Series boys’ singles finals na ginaganap sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ito ay matapos ang kabiguan ni Marian Jade Saldajero Capadocia, na lumasap ng 6-0, 6-3 pagkatalo kay Hsu Chung-Wen ng Chinese Taipei sa semis ng girls’ division.

Nagpakawala si Mendoza, 13-anyos din na puntirya ang ATF scholarship habang lumalaban sa 21-leg Asian series para sa mga players na 14 gulang at pababa, ng mahahalagang puntos kay 5-foot-11na si Lee, ngunit higit siyang naging mas matatag sa bandang huli.

Tinapos ni Mendoza, ang laban sa loob ng dalawang oras, 50-minuto para itakda ang laban kontra kay No. 2 seed Chun Hun Wong ng Hong Kong, sa finals ngayon.


Show comments