^

PSN Palaro

Giles pipirma sa Smart Gilas

-

MANILA, Philippines - Wala nang dapat pang alalahanin ang Sama-hang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ibinunyag kahapon ni SBP executive director Noli Eala ang pagpirma ni American CJ Giles ng isang one-year contract bilang reinforcement ng Smart Gilas.

Ang Smart-Gilas deve-lopmental team ay inihahanda ni Serbian mentor Rajko Toroman, tinulungan ang Iran sa paghahari sa 2007 FIBA-Asia Men’s Championship sa Tukoshima, Japan para makalahok sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China, para sa ilang international tournaments sa susunod na taon.

“We’re really excited to have CJ in the line-up,” sabi ni Eala sa 6-foot-10 na si Giles. “It’s one of the ingredients that will give (the Nationals) a better shot at an Olympic slot in London.”

Ang dalawang mabigat na torneong sasabakan ng Smart Gilas ni Toroman ay ang 2010 Asian Games sa Guangzhou, China at sa 2011 FIBA-Asia Championship, ang qualifying event para sa 2012 London Olympics.

Nakatakdang bumalik sa bansa si Giles, pinuntirya na rin ng Lebanon na mahugot bilang isang ‘naturalized player’, sa Setyembre 1.

Tatanggap ang 24-anyos na si Giles ng monthly salary na $15,000 o P8.64 milyon hanggang matapos ang kanyang one-year contract na katumbas ng suweldo ng isang import sa Philippine Basketball Association (PBA).

Nagposte si Giles, maaari ring latagan ng SBP ng contract extension matapos ang kanilang kasun-duan, ng mga averages na 7.2 puntos at 7.0 rebounds para sa Denver Nuggets sa NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

Bukod kay Giles, ang iba pang miyembro ng Smart Gilas ay sina Andy Barroca, Dylan Ababou, JV Casio, Chris Tiu, RJ Jazul, Rey Guevarra, Mac Baracael, Aldrech Ramos, JR Cawaling at 6’10 Greg Slaughter ng Cebu City. (RC)


ALDRECH RAMOS

ANDY BARROCA

ANG SMART-GILAS

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA MEN

ASIAN GAMES

CEBU CITY

CHRIS TIU

DENVER NUGGETS

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with