DLSU hiniya ng UP
MANILA, Philippines - Tiyak na magdadalamhati ang De La Salle University kung sakaling maaga itong mamaalam sa liga dahil sa tinamong kahihiyan sa kamay ng University of the Philippines na tuluyang sumunog sa kanilang pangarap na kampeonato.
Malaki ang ginanda ng laro, pinatunayan ng bagitong si Mikee Reyes na nahasa ang kanyang talento sa hard court nang isampa nito sa isang baytang ang UP Fighting Maroons sa pamamagitan ng paggiba sa Green Archers.
Buong giting na naglista ng kanyang career high 25 points si Reyes, muling sumiklab ang pag-asa ng UP para makapasok pa sa susunod na round ng kompetisyon at makatabla sa barahang naimarka rin ng Adamson University.
Sa kabilang banda, habang nagsasaya ang Fighting Maroons, luhaan namang umuwi ang DLSU.
Dahil sa kabiguan, pinangangambahang malagay pa ito sa binggit ng alanganin sa Final Four dahil sa 4-6 marka nitong kinubra.
Naging makabuluhan ang drive ni Reyes sa huling 5:59 minuto na nagbigay ng 69-67 marka na siyang nagpaumpisa ng silakbo sa grupo upang tuluyang angkinin ang naturang laro.
Sumingasing, nagpa-kawala ng get away lay-up si Mark Lopez nang malusutan ang mahigpit na depensa ni Kish Co.
Subalit tila nabalewala ang 18 points at 15 points kontribusyon nina Peejay Barua at James Mangahas nang mamayani ang State U sa naturang sagupaan.
Samantala sa unang laban, binigyang katarungan ni Leo Canuday ang tiwalang binigya sa kanya ni coch Leo Austria ng magpaulan ito ng 12 points mula sa three point area para maungusan ang National U sa pamamagitan ng 79-50 iskor. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending