LSG-A, Ateneo wagi

MANILA, Philippines - Umiskor ng tagumpay ang La Salle Greenhills-A at Ateneo upang banderahan ang dalawa pang koponan na may malinis na record sa kani-kanilang Small Basketeers Philippines divisions ng SBP-Passerelle twin tournaments sa Xavier School gym.

Pinamunuan ni Amando Emmanuel San Juan III ang LSGH-A sa kanyang 12 points nang daigin ang Notre Dame of Greater Manila, 57-42, para sa ikatlong sunod na panalo ng La Salle.

 Nangunguna na ang La Salle sa SBP-C habang nalaglag sa 2-1 ang NDGM. Tinalo ng La Salle Santiano ang Malate Catholic School, 53-17,sa Group C match.

Sa kabilang dako, tinalo naman ng Ateneo ang San Benildo Integrated School, 85-4, para sa kanilang ikatlong panalo din at manatili sa unahan ng SBP-A. Dinurog naman ng Lourdes School ang San Beda College (1-2), 56-14, sa Group A game.

Show comments