^

PSN Palaro

Letran, Arellano hihirit sa No. 4

-

MANILA, Philippines - Nanatiling buhay ang pag-asa ng Letran at Arellano University na makapasok sa ikaapat na posisyon sa pakikipagtipan ng dalawa sa Emilio Aguinaldo College at College of St. Benilde, ayon sa pagkakasunod, sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kapwa magkatabla sa No. 4 spot matapos ang unang round sa markang 5-4, haharapin ng Knights ang Generals sa alas-dos ng hapon na agad susundan naman ng bakbakan ng Chiefs at Blazers sa alas-4 ng hapon.

Tinalo sa mahigpitang 85-84 overtime game sa unang pag-haharap, umaasa ang Letran na mauulit nila ang kapalarang ito sa EAC.

Paghihiganti naman sa panig ng Arellano ang nais nila makaraang malasap ang 107-117 kabiguan sa triple overtime noong July 31.

Lalapatan ng agresibong paraan ng mga bataan ni Letran coach Louie Alas ang kanilang kalaban.

“We need to be more aggressive and focused in executing our plays particularly on defense for us to beat EAC again,” pahayag ni Letran coach Louie Alas.

Idiniin naman ni Arellano mentor Junjie Ablan, na kaila-ngang masusitna ng kanyang koponan ang porma nila hanggang sa matapos ang liga.

“We need to focus in keeping our high level of play not just in the first two quarters but the whole game,” ani Ablan, ang pinakabatang coach ngayon sa edad na 30 anyos.

At ang sandata? Ang huwag gumawa ng maraming foul.

“It would be important for us to play honest defense and if we can, minimize our fouls because the last time we played them (Blazers) several of our key players fouled out,” ani Ablan.

Sa dalawang extra period na kabiguan, humatak ang Chiefs ng 47 fouls na nagdulot ng pagkakatalsik nina Giorgio at Isiah Ciriacruz, Jerry Miranda, Rodan Reducto, Ed Rivera at Allen Virtudazo. (Sarie Nerine Francisco)

ABLAN

ALLEN VIRTUDAZO

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

ED RIVERA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ISIAH CIRIACRUZ

LETRAN

LOUIE ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with