Gulo ng mga lider PSC, POC at NSAs sagabal sa preparasyon ng mga atleta
MANILA, Philippines - Upang walang maging sabagal sa paghahanda ng mga atletang sasabak sa 25th Southeast Asian Games sa Laos sa Disyembre, inaasahan ni opposition senator Chiz Escudero na aaksyunan ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports ang inilatag niyang resolution na nananawagan para sa isang imbestigasyon sa mga nag-iiringang lider ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
“With less than four months to go, we continue to read about ongoing intramurals in various sports associations and conflicting claims by the PSC and the POC on our chances, based on their respective reading of the situations and prospects, which is far from inspiring our athletes who are going to compete in Laos,” aniya.
“Our sports officials could not work together unless they shed their loyalties to their respective factions and patrons. The reports reaching us are not encouraging, because political patronage seems to be disrupting even Philippine sports, which, in an ideal set up, should be free and fair,” dagdag ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na, ang pagkakawatak-watak ng mga ilang sports organization ay nakakasira sa interes at kapakanan ng mga atletang Pinoy at hinikayat nito ang Senate Committee on Games, Amusement and Sports na tingnan at hanapan ng posibleng paraan sa pamamagitan ng lehislatura.
Bagamat suportado ng senado ang plano at programa ng PSC at POC, tanging ang nagkakaisang national sports promotions at development program, na walang namumuong tensiyon sa kanilang organisasyon at lider ang naglalagay sa mga atleta na makapagsanay ng husto.
Idiniin pa ni Escudero na dahil sa mga gulo sa ilang organisasyon nakalutang ang mga atleta sa limbo at negatibong naapektuhan ang kanilang atensiyon at pagsasanay kung lalahok ba sila o hindi.
Si Escudero, na matagal nang humihimok na mabigyan ng permanteng termino ang PSC chairman, ay nagsabing titingnan niya ang posibilidad na ameyendahan ang Republic Act 6847, ang batas na bumuo ng PSC noong 1990.
- Latest
- Trending