^

PSN Palaro

RP yuko sa Iran pero pasok sa KO stage

- Joey Villar, Nelson Beltran -

TIANJIN – Yumukod ang Powerade Team Pilipinas sa Iran sa ikatlong sunod na pagkakataon sa kanilang tatlong beses na pagkikita ngunit sa tulong ng Japan, napormalisa ang kanilang pagpasok sa knockout stage ng 25th FIBA Asia Championship sa Tianjin Gym dito.

Hindi kinaya ng Nationals ang size advantage ng Iranians dahil kay 7-foot-3 center Hamed Ehadadi at 6-foot-8 forward Nikkhah Bahrami sa kanilang 78-88 loss matapos ang krusyal na 77-70 panalo sa Chinese-Taipei noong Lunes ng gabi.

Dahil sa panalo ng Iranians, naghintay pa ang Nationals ng ilang oras para masiguro ang pagpasok sa quarterfinal round -- salamat sa panalo ng Japan sa Kuwait, 71-58.

Ngunit kailangan pa ring talunin ng Powerade RP ang Kuwait sa pagsasara ng elimination round ngayon para magtapos bilang third sa Group E at makaiwas sa bigating China sa quarterfinals.

Ang third-place finish sa Group E ay nangangahulugang makakalaban ng Philippines ang Jordan o Lebanon sa quarters.

“The loss had its upsides. This is a good pre-paration for the crossover knockout stage. If we can avoid China, we’re likely to be up against Lebanon or Jordan. Our experience versus Iran could go a long way for our probable upset win in the quarters,” sabi ni coach Yeng Guiao.

“If we win that, we’ll already be in the Final Four. So to me that’s the biggest game and we have to be ready for that. The best preparation for that is this game,” dagdag ni Guiao.

Kontra sa Iranians, hindi binigyan ni coach Matic Veselin ang mga Pinoy ng pagkakataon nang ibabad niya si Ehadadi – naglalaro para sa Memphis Grizzly sa NBA.

Tumapos si Ehadadi ng 21 points at 16 rebounds para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa Philippines kabilang ang kani-lang close win sa kanilang “Group of Death” match sa Tokushima dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang reigning Asian champs ay nanalo din sa RP patungo sa pagkopo ng titulo sa nakaraaang Jones Cup championship sa Taipei kamakailan lamang.

“The Filipinos continued to improve. They had big improvement from the Jones Cup. We had a harder time winning this game as the Filipinos really played hard. I needed Hamed kept on the court,” ani Veselin.


ASIA CHAMPIONSHIP

EHADADI

FINAL FOUR

GROUP E

GROUP OF DEATH

HAMED EHADADI

JONES CUP

MATIC VESELIN

MEMPHIS GRIZZLY

NIKKHAH BAHRAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with