^

PSN Palaro

2009 World Ten Ball Championship

-

MANILA, Philippines - Inihayag ng World Pool-Billiard Association at ng Raya Sports na ang 2009 World Ten Ball Championship ay gaganapin sa November 25-30 sa World Trade Center sa Pasay City, Metro Manila.

Ang tanging world men’s championship sa taong ito ang WTBC ay itatanghal sa ikalawang sunod na taon sa bansa kung saan may 300 players mula sa 50 countries na makikibahagi sa main tournament at qualifying tournament.

Ang World Trade Center venue ng mga major international events at exhibitions, ay magho-host ng WTBC sa unang pagkaka-taon. Tulad ng 2008 venue, ang Philippine International Convention Center, ang WTBC ay matatagpuan sa Manila Bay area.

Ang qualifying tournament, na may 10 events, ay gaganapin sa Star Billiards Center sa Quezon City, na siya ring host ng tatlong world-championship qualifiers nitong huling tatlong sunod na taon.

Ang WTBC na inorganisa at ipro-promote ng Raya Sports ay may total prize fund na $250,000, kung saan ang $75,000 ay mapupunta sa champion. May premyo hanggang 64th place.

Ang prestigious event ay ipapalabas sa international at national tv, kung saan ang ESPN Star Sports ang magsasahimpapawid sa 33 bansa at ang ABS-CBN Studio 23 ang hahawak ng TV Philippine broadcast .

Makukuha ng Players ang kanilang slot sa WTBC base sa kanilang performance at rankings sa world at national competitions na kinikilala ng WPA at continental federations. Itinatalaga ng WPA ang 128 spots sa main event base sa special quota system. Nakakasi-guro nang slots ang top 10 players sa WPA world-ranking system at ang reigning world champions sa lahat ng disciplines.

MANILA BAY

METRO MANILA

PASAY CITY

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

QUEZON CITY

RAYA SPORTS

STAR BILLIARDS CENTER

WORLD

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with