Wilson muling umarangkada; JRU sumosyo sa ikalawang puwesto
MANILA, Philippines - Maaasahan sa lahat ng panahon, sumandal sa malakas na performance ni John Wilson ang Jose Rizal upang igupo ang College of St. Benilde upang makisos-yo sa ikalawang puwesto sa three-peat champion San Beda College sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament na dinayo sa The Arena sa San Juan City.
Nakabawi mula sa season-low na 9 puntos sa laban nila sa San Sebastian kamakailan, umatake ng husto si Wilson at nagpau-lan ng 21 puntos kabilang na ang tatlong tres nang bumalik ang Bombers sa No. 2 kasama ang Lions sa kanilang 7-1 marka.
Bumandera para sa kanilang koponan sina Chuck Dalanon at Jeff Morial na naglista ng tig-13 puntos bawat isa ngunit pinatahimk ng Bombers ang Blazers sa huling tatlong minuto ng ikaapat na quarter tungo sa tagumpay ng Mandaluyong-based dribblers.
Sa inisyal na bakbakan, dahil sa serye ng kamalian, kinalawang ang diskarte ng Perpetual Help na nagsilbing bentahe ng Arellano U upang madaling mailusot ang panalo sa pamamagitan ng 85-70.
Walang puknat sa pag-atake, nagtulong ang duo nina Giorgio Ciriacruz at Adrian Celada para maitaguyod ang bandera ng Chiefs.
Tumapos ng team high 20 points, 9 rebounds, 2 assists at 2 steals si Ciriacruz habang bumulsa naman ng 19 points 5 boards, 4 assists, 3 blocks at isang steal si Celada na nagluklok sa kanila sa ikatlong panalo na bubuhay ng tiket sa Final Four bid.
Para sa aksyon sa juniors, pinahirapan ng Jose Rizal ang mapanganib na CSB-La Salle Greenhills sa isang makapigil-hiningang laban na nagtapos sa 98-96 iskor.
Sanhi ng naiuwing panalo, lumugar ang Jose Rizal sa tabi ng karibal na San Beda sa ikalawang pwesto, hawak ang 7-1 baraha.
Nagpakitang gilas, umiskor si Perpetual Help ace rookie guard Chrisper Elopre sa kanyang binulsang 11 points at 3 assists habang ang matatag na depensang pinamalas ni Ablan ang sumigwada sa tagumpay ng Chiefs.
Sa juniors division, inilampaso ng Altalettes ang Arellano, 101-65 habang nanaig ang Light Bombers sa Junior Blazers, 98-96. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending

















