MCC 1950 title nakopo ni Guya

MANILA, Philippines - Ginulat ni 8th seed Ali Guya ang top seed na si Ferdinand Palermo sa 59 moves ng Mora Sicilian sa ikalima at final game upang maghari sa MCC 1950 below standard chess tourney na ginanap sa St. Francis Square sa Mandaluyong City.

Ang 17 anyos na si Guya ng Adamson U ay katabla sa una hanggang ikalawang puwesto sa kaeskuwelang si Romie Lord Guerra na may tig 4.5 puntos ngunit nanaig sa mas mataas na tiebreak upang makopo ang MCC title.

Show comments