Korona idedepensa sa Hawaii: Titulo hindi bibitiwan ni Viloria
MANILA, Philippines - Sapul nang maagaw ang korona sa IBF light-flyweight kay Ulises Solis noong nakaraang Abril, patuloy na pokado sa ibabaw ng ring ang Fil-Am na si Brian Viloria, at nagsabing ang pagiging champion ay nangangahulugan na maraming taong nag-iinteres na maagaw uli ito.
“I took two weeks off after winning the world title and then I went back to camp,” ani Viloria sa isang phone patch na inayos ng Solar Sports, na siyang promoter ng unang title defense sa Agosto 29 sa Hawaii.
Napagwagian ni Viloria ang WBC light-fly (108 lb) sa pamamagitan ng kagulat-gulat na knockout kay Victor Ortiz sa Las Vegas noong 2005 ngunit panandalian lamang ito sa mga sumunod na araw at muling nalugmok sa ibaba ang “Hawaiian Punch”.
Ngunit nagawang makabangon nang humatak ng sunud-sunod na panalo, at ang huli ay noong Abril 19 sa Araneta Coliseum, pinabagsak si Solis sa 11th round at makuha ang titulo na ina-asam niyang magtatagal sa kanya.
Si Viloria, na umaasang mapupuno ang arena ng fans para makasaksi ng isang magandang laban, ay nagsabing ang panalo kay Solis ay nagbigay sa kanya ng ikalawang buhay sa brutal na sports ng boxing.
“Winning doesn’t mean you can stay away from camp. I’ve learned a lot from my first world championship. Now, there’s maturity and better understanding how hard it is to keep the world title,” aniya.
Ito ang tinig ni Viloria sa telepono mula sa kanyang training camps sa Oxnard, California kasama ang kanyang manager na si Gary Gittelson, ay nasa Los Angeles. At nasa kabilang linya naman ay sina Solar Sports CEO Wilson Tieng at COO Peter Chanliong.
“Everything’s in schedule and upbeat. We’re putting it together very well in training. I’ve been running the mountains with Steven Levuano (Filipino Abe Concepcion’s opponent on Aug. 15 in Las Vegas),” ani Viloria.
Sinabi rin nito na sa ngayon ay tumitimbang siya ng 113 lb matapos ang workout noong Lunes at damdam na ligtas ito para sa 108 lb sa bisperas ng laban.
- Latest
- Trending