Orcollo, Gomez silat

Iloilo City, Philippines –Sinalanta ng upsets ang unang araw ng kompetisyon sa Manny Villar Cup Iloilo leg nang kapwa yumuko sina dating World No. 1 Dennis Orcollo at dating World Pool championship finalist Roberto Gomez sa SM City dito.

Nilasap ni Orcollo ang nakakahiyang 2-9 kabiguan kay Elmer Haya na sumira sa kanyang kampanyang unang back-to-back title sa torneong ito na ipiniprisinta ng Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports.

Nabigo naman si Gomez sa kanyang opening match kay Jomell Sultan, 5-9.

Makakasama nina Haya at Sultan sa uusad sa second round sina Jomar Ocampo at dating titlist Gandy Valle na nakalusot kay Judy Villanueva, 9-7.

Tinalo naman ni Ocam-po si dating World Youth championship qualifier Rene Mar David, 9-1.

Show comments