^

PSN Palaro

Pinay bowlers makikipagsabayan

-

LAS VEGAS -- Sisika-ping makipagsabayan ng Philippine women’s bowling team laban sa mga mahuhusay na bowlers mula sa iba’t ibang dako ng mundo sa paglarga ng World Women’s Bowling Championships sa Cashman Center dito.

Umabot sa record na 45 nasyon ang makikibahagi sa biennial tournament sa women’s tenpin bowling elite sa Cashman Center, dating convention facility na ginawang 60 state-of-the art bowling lanes, dito sa premier gambling city.

“The competition is going to be tough because the top teams are all here. But I believe we also have our own chances,” ani Jojo Canare, dating RP team standout at ngayon ay national coach na.

“So I told my girls to enjoy themselves and have fun,” sabi pa ni Canare sa kanyang mga player na pinangungunahan ni veteran internationalists Liza del Rosario, nanalo ng ladies singles bronze medal sa World Games, at ni Lisa Clutario, ang 2005 ladies’ masters gold medalist. “Malay mo, baka suwertihin.”

Ayon kay Canare, ang host ay may apat na pros sa kanilang team habang ang isa pang perennial favorite na Australia ay nagpadala rin ng talented team sa pangunguna ni veteran 38-year-old Ann Maree Putney, ang 2007 World Cup titlist at runner-up noong 2008 kasama sina Carol Gionatti at Maxine Nable.

Ngunit para kay Canare mas mapanganib ang mga Americans na kinabibilangan nina Carolyn Dorin-Ballard, Wendy Macpherson, Stefanie Nation at Lynda Barnes, ang 2008 Bowling’s Clash of Champions winner, at asawa ni top-ranked US men’s bowler Chris Barnes.

Ayon kay US coach Jeri Edwards ang kanyang team ay sumailalim sa isang buwang training sa Denver, Colorado.

Ayon kay Edward mas malakas ang kanyang team sa team-of- five competitions.

Sinabi ni Canare malakas din ang Malaysia, Korea, China at Japan.

ANN MAREE PUTNEY

AYON

BOWLING CHAMPIONSHIPS

BUT I

CANARE

CAROL GIONATTI

CAROLYN DORIN-BALLARD

CASHMAN CENTER

CHRIS BARNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with