Ateneo nasilat ng UP
MANILA, Philippines - Ikinagulat ng marami ang isang hindi inaasahang pangyayari sa UAAP basketball tournament.
At ito ay ang pagsilat ng University of the Philippines sa lider na Ateneo, 68-58 sa PhilSports Arena kagabi.
Mula sa apat na puntos na bentahe sa halftime, tumirada ng 14-0 run ang Fighting Maroons na sinel-yuhan ng undergoal stab ni Mark Lopez para maagaw ang trangko sa 43-35 may apat na minuto pa lang ang nakakalipas sa ikatlong yugto ng laro.
Sinundan ng tres ni Alvin Padilla, nakuha ng UP ang bentahe sa 49-41 sa final canto na hindi na nakayanan ni MVP Rabeh Al-Hussaini na balikatin ang pagbangon ng Blue Eagles bagamat nakalapit ito sa 54-49 sa huling 3:48.
Ngunit iyon na ang huling pagdikit ng mga bataan ni coach Norman Black dahil muling rumagasa ang Diliman-based dribblers at kumana ng anim na sunod na puntos na tinampukan ng layup ni Lopez para sa 65-54 bentahe 1:42 na lang ang nalalabi.
Tumulong din sina Lopez at Woody Co na naglista ng 15 puntos para sa UP upang wakasan ang three-game losing streak.
Nabalewala naman ang kinanang 17 puntos at 6 na rebounds na kinamada ni Al-Hussaini na naging dahilan ng pagbagsak ng Ateneo sa three-way logjam sa liderato kasamTomas at Far Eastern University.
Sa naunang sultada, nagpakawala ng krusyal na basket si Kish Co na sinundan ng dalawang turnover ng kalaban upang makalusot ang De La Salle University sa Adamson University, sa kapana-panabik na 64-63 panalo na umabot sa ekstrang limang minuto. (SNF)
- Latest
- Trending