^

PSN Palaro

Panalo ang SBP

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Marahil ay makakausad na nang maayos ang Philippine basketball matapos na katigan ng FIBA special commission ang Samahang Basketbol ng Pilipinas.

For a while kasi’y maraming nagkaroon ng agam-agam hinggil sa kinabukasan ng basketball dito sa ating bansa at sa paglahok natin sa mga international tournaments nang ipatawag ng FIBA Special commission ang SBP at Basketball Association of the Philippines (BAP) para bigyang linaw ang estado ng sport sa Pilipinas.

Sa umpisa nga’ tila ayaw ni SBP president Manny V. Pangilinan na magpunta sa Geneva kung saan itinakda ang meeting. Sa isipan ng mga SBP officials ay para ba’ng pinapaboran ng FIBA ang BAP.

Ang worry nga ng karamihan, kapag inisnab ng SBP ang meeting ay baka masuspindi muli ang Pilipinas at hindi makapaglaro sa FIBA Asia men’s championship na nakatakda sa Tianjin, China sa susunod na buwan. Mababale-wala lahat ng preparasyong ginagawa. Masasayang lahat ng investments sa Philippine team. Muli’y malalambungan ng dilim ang kinabukasan ng Philippine basketball.

Mabuti na lamang at sa dakong huli’y napahinuha si Pangilinan na magpadala ng representatives sa Geneva para maipakita ng SBP sa FIBA ang mga nagawa nito sa nakalipas na dalawang taon at ang mga programa nito sa mga darating pa’ng taon.

Ang nakakapagtaka rito ay ang pangyayaring wala ni isang representative ng BAP ang dumalo sa pulong.

Aba’y ipinatawag ang special meeting dahil sa pangungulit ng BAP. Noon nga’ng nakaraang buwan, ang scenario ay hindi pupunta ang SBP at nandoon sa meeting ang BAP. Kung ganoon ang nangyari, dalawang bagay ang pusible: masuspindi ang Pilipinas o kilalaning muli ng FIBA ang BAP. Sa isang session ng Sports Communicators’ Organization of the Philippines (SCOOP) ay sinabi pa nga ni Congressman Prospero Pichay, na siyang pinuno ng BAP, na hindi dapat balewalain ng SBP ang authority ng FIBA.

Pero hindi nagpunta sa meeting ang mga taga-BAP. Ano ‘yun?

Bakit sila nangulit at pagkatapos ay hindi nila idinepensa ang kanilang sarili?

Aba’y pagkatapos ng mga kaganapan sa Geneva kung saan tuluyang kinilala ng FIBA ang awtoridad ng SBP, wala nang karapatan ang BAP na gumawa ng kahit ano’ng ingay hinggil sa pagpapalakad ng basketball sa Pilipinas.

Tapos na ang lahat ng kaguluhan.

Panahon na para umusad tayo.

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CONGRESSMAN PROSPERO PICHAY

FIBA

MANNY V

ORGANIZATION OF THE PHILIPPINES

PILIPINAS

SBP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with