MANILA, Philippines - Kung sakaling sasang-ayon ang Union Cycliste Internationale (UCI) sa alok ng Padyak Pinoy Organizing Commiitee na sumali sa Asia Pro tour calendar sa 2010, aangat ang kalidad ng Annual Padyak Pinoy sa multi stage cycling competition na sinusuportahan ng Tanduay, Manny V. Pangilinan ng Smart-PLDT at ni Bert Lina ng Air 2100.
“Results emerging from the (2009 Padyak Pinoy) Invitational Challenge seem to indicate that our riders are now ready to meet their foreign counterparts on Philippine soil. With their showing, we have gained enough confidence to host a UCI-backed cycling event,” ani Gary Cayton, chairman ng Padyak Pinoy Organizing Committee.
“It is time to once again place the Philippine in the world cycling map, considering also the growing number of cycling enthusiasts and lately, the increasingly active role of private companies to promote the sport,” dagdag pa nito.
Inaasinta na ang four day international race ay magsisimula sa April 8, 2010 na kinapapalooban ng 4 stages na 155 km Tagaytay-Tagaytay Stage 1, 125-km The Fort to Clark Field (via NLEX) Stage 2, ang 150 km Clark-Subic-Clark (via SCTEX) Stage 3 at ang 160 km Subic-Subic Stage sa ilalim ng UCI regulations, makakasama ang limang international teams sa Padyak Pinoy 2010 international edition.
Layon na mapalawig na mapaabot sa buong bansa ang kampanyang ito na makikipag-tulungan sa pribadong kumpanya, cycling associations, local governments leaders at ilang government agencies. (Sarie Nerine Francisco)