PBA Rookie Camp sa Club 650 at Caruncho gym
MANILA, Philippines - May pagkakataon ang mga aspiring player sa Rookie Draft sa taong ito na ipakita ang kanilang physical at mental skills sa pagdaraos ng Philippine Basketball Association (PBA) - ang kanilang traditional rookie camp - sa dalawang magkaibang venues sa huling linggo ng buwang ito.
Nakatakda ang Rookie Camp sa July 28, 30 at 31sa ilalim ni Ramil Cruz bilang camp director.
Maghapon ang mga gawain sa unang araw ng Camp sa Club 650 gym sa Libis, Quezon City mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung saan susukatan ang mga aplikante ng kanilang height, wing span at current weight.
Pagkatapos nito ay titingnan ang skills at strength ng mga player sa pamamagitan ng push ups, bench press, sit ups, sprints at pull ups.
Sa hapon magkakaroon ng drills sa agility, shooting, dribbling at fastbreak.
Magpapahinga ng isang araw at sa July 30-31 sasabak ang mga rookies sa four-game schedule sa Caruncho gym sa Pasig City kung saan hahatiin ang mga partisipante sa apat na teams.
Maglalaban ang Group 1 at Group 3 sa first game sa alas-2:00 ng hapon kasunod ang sagupaan ng Group 2 at Group 4 sa alas-4:00 ng hapon.
Ang final day ng camp ay crossover double header sa pagitan ng Group 1 vs. Group 2 alas-2:00 ng hapon at Group 3 vs. Group 4 alas-4:00 ng hapon.
Ang official rookie team rosters ay ipapadala sa Biyernes (July 24), at wala pang coaching assignments.
Ang PBA Rookie Draft ay sa August 2 sa Market Market Place sa Taguig.kung saan ang Burger King ang may-ari ng no. 1 overall pick. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending