^

PSN Palaro

Blu Boys yuko sa Hapones

-

SASKATOON, Canada - Yumuko ang Philippines sa Japan, 5-0 noong Martes at nahaharap sa mas mabigat na mithiin maipanalo ang huling dalawang laro sa Pool A elimination round assignments upang makapuwesto sa quarterfinal round ng 2009 World Men’s Softball championship dito.

Binugbog ngJapanese, na may matagal nang motto na matalo na sa lahat huwag lang sa Pinoy, ang rookie na si Leo Barredo at Roger Rojas ng 12 hits, at umiskor ng paniguradong two runs sa ilalim ng second inning upang tuluyan ng iwanan ang Blu Boys.

Sa kanilang mga nakaraang laban, Asian championshops man o world tourney, laging inirereserba ng Japanese ang pinakamahusay nilang pitchers sa tamang panahon nang trabahuhin ni Tatsuya Hamaguchi sa tatlong hit, no run six inning bago ipinasa ito kay Kunihiko Yamaguchi na nagpatanggal ng tatlong batters upang idikdik sa kabiguan ang Blu Boys.

Ang dalawa ay may pinagsamang 13 strikeouts.

Ang dalawang runs ng Asian champion sa second ay mula kay centerfield Hiraku Yokohama at shortstop Ryuji Hazeyama, na nagpakawala ng dalawang solo homeruns bawat isa sa hindi magandang pitch ng kaliweteng si Barredo.

BARREDO

BLU BOYS

HIRAKU YOKOHAMA

KUNIHIKO YAMAGUCHI

LEO BARREDO

POOL A

ROGER ROJAS

RYUJI HAZEYAMA

TATSUYA HAMAGUCHI

WORLD MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with