Lungkot na lungkot ang mga sports fans sa ginawang pagdurog ng Jordan sa Philippine team sa pagbubukas ng Jones Cup sa Taipei.
Maraming sumulpot na mga tanong kung bakit nagkaganun ang Nationals.
Bagamat hindi Jones Cup ang kanilang pinaghandaan, maraming nagkomento na hindi dapat maging ganun.
Payag na sana ang marami na natalo ang RP sa Jordan pero yung 31 puntos na abante (90-59) ay nakakahiya considering na pawang mga PBA players ang kasama sa Nationals.
Nakakadismaya naman talaga.
Sa sumunod na araw naman, ang Taiwan-A ang kanilang kalaban.
Medyo lumakas pa ang loob ng mga sports fans na baka naman dahil nga noong opening day ay late ng dumating sina JayJay Helterbrand, Mick Pennisi at Cyrus Baguio makakabawi sila sa Taiwan.
Pero laking pagkakamali dahil muling nabigo ang Nationals sa kamay ng Taiwanese.
Ano ang kulang at saan nagkamali si national coach Yeng Guiao?
Maraming nagsasabi na walang legitimate shooter ang RP team.
Sino nga ba ang shooter na kasama sa team? si James Yap, oo pero hindi naman pwedeng mag-isa lang siya. Papaano kung off night niya?
Sino pa ang nasa lineup na kamador?
Walang maisip ang mga fans.
Siguro naman hindi pa huli ang lahat.
Sana nga.
* * *
Hindi na makakalaro si Wynne Arboleda sa Jones Cup dahil hindi pala ito kasama sa original lineup ng national team para sa torneo.
Itong Jones Cup pa naman ang pagbabatayan ng final 12 para sa FIBA-Asia championship na gaganapin sa susunod na buwan sa Tianjin, China.
Walang reaksiyon sa balitang ito, dahil para sa marami hindi pa ganun ka combinsing si Arboleda para makasama sa National team.
Yun ang kanilang obserbasyon.
Mas marami kasi ang magsasabing mas dapat napasok sa team si Dondon Hontiveros na isang shooter.
Pwede pa kaya?
* * *
Tulad ng inaasahan ng marami, umabot nga sa Game 7 ang titular showdown ng magkapatid na kompanyang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa PBA Fiesta Conference.
Kaya nga hindi sumuko ang mga San Miguel Beer fans, noong makuha ng Gin Kings ang 3-2 bentahe.
At hayun nga nagkatotoo ang lahat.
Umabot ng Game 7.
At ang nagkampeon?--San Miguel Beer.
Kaya congrats sa buong team pati na rin sa Ginebra kapamilya naman sila.