Quisay, Tolentino wagi sa Run for Home
MANILA, Philippines - Kahit nagkaroon ng kaunting kalituhan sa mga top runners sa women’s at komosyon sa pagtatapos ng men’s 21k, matagumpay pa ring naisakatuparan ng Run for Home: The Globe-Ayala Land City Run for Habitat, for Humanity ang pangunahin nitong layunin na makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng resettlement houses sa Calauan, Laguna.
Magkatuwang sa pagtulong sa Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig Program, napalawig ng Globe at Ayala Land ang kampanya sa pagbuo ng mga kabahayan para sa mga mahihirap na naninirahan sa tabing ilog.
Humarurot si Philippine Army Allen Quisay sa men’s 21k race, matapos mungusan ang Sabal brothers, Cresencio at Elmer. Dahil dito, naiuwi ni Quisay ang P15,000 premyo.
Sa kababaihan naman, halos makawala sa kamay ni Aileen Tolentino ng Cagayan de Oro nang malito ito sa panimula makaraang makawala ang isang lahok nang hindi niya namamalayan.
Nanguna naman sa men’s 10k sina Alquin Bolivar (32:51), Darwin Lim (32:53) at Gerald Sabal (34:52) at sa women’s side sina Nhea Ann Barcena (41:33), Luisa Yambao (42:46) at Joan Mangabat (42:54).
Sa men’s 5k naman si Abraham Barcaso (15:59) kasunod sina Christopher Uboc (15:59) at Crifrankreadel Indapan (16:04), at sa kababaihan naman sina Liza Yambao (20:55), Pelita Ruben (24:43) at Annie Lyn Rivas (24:57).
Sa men’s 3k, ang nagwaging runners ay sina Wenlie Maulas, Roger de Nolo at Patrick Gongub at sa women’s side si Lalaine Grozco (12:47) kasunod naman si Merlyn Quillo (13:15). (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending