^

PSN Palaro

Powerade Team Pilipinas durog sa Jordan

- Joey Villar, Nelson Beltran -

TAIPEI – Ang katotohanan tungkol sa international competition ay hindi masama at ang pagtanggap sa 31st William Jones Cup ay naging malamig para sa Powerade Team Pilipinas.

Umaasang maipapakita sa ibang bahagi ng Asya ang tungkol sa kanila at sa kanilang pag-asin-ta sa isang puwesto sa 16th World Championship sa Istanbul sa susunod na taon, tumanggap ng masamang katotohanan ang Nationals sa global basketball.

Humakot ang Jordan ng 20 sunod na puntos sa ikalawang quarter upang ipakita ang kanilang lakas sa RP team sa pamamagitan ng 90-59, panalo sa Hsinchuang Gymanisum kahapon at bigyan ng pressure ang buong koponan na sangkot sa pagpapadala ng national team sa 25th FIBA Asia Men’s Championship sa Tianjin, China sa susunod na buwan.

Live na ipinalabas sa ESPN, nakadikit ang Nationals na sinimulan nina James Yap, Asi Taulava, Gabe Norwood, Kerby Raymundo at Wille Miller, sa unang 10 minuto ng labanan, 17-15 at pag-asang makakabangon sa ikalawang yugto ng laro.

Dito, ipinasok mula sa bench ang 6’4 guard na si Rasheim Wright, na siya ring nanalasa sa RP team ni Chot Reyes sa 24th FIBA Asia Olympic qualifier sa Tokushima, Japan may dalawang taon na ang nakakalipas.

At yun na ang simula ng pagpapahirap sa Nationals. 

Sa iba pang opening day games, dinurog ng Lebanon ang Taiwan-B, 93-61; ginapi naman ng South Korea, na kagrupo ng Philippines, Japan at Sri Lanka sa Group A sa FIBA-Asia tournament, ang Kazakhstan, 75-73.

ASI TAULAVA

ASIA MEN

ASIA OLYMPIC

CHOT REYES

GABE NORWOOD

GROUP A

HSINCHUANG GYMANISUM

JAMES YAP

KERBY RAYMUNDO

POWERADE TEAM PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with