Beer o Gin?
MANILA, Philippines – Siguradong may inuman na pagkatapos ng Motolite PBA Fiesta Conference. Ang tanong ay kung ano ang iinumin: beer o gin?
Tatapusin na ngayon ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer ang usapan sa deciding Game-7 ng kanilang klasikong titular showdown.
Wala nang silbi kung anuman ang nangyari sa unang anim na laro ng kanilang serye dahil ang laban ngayon ang tatapos ng giyera.
“It’s now a jump ball,” ani Uichico.
“It’s far from over but we’re blessed to play a deciding Game Seven,” sabi naman ni Tanquingcen matapos nilang maitabla ang best-of-seven series noong Miyerkules.
Kaninong misyon ang magkakaroon ng katuparan? Ang San Miguel na hangad ang ika-18th titulo o ang Ginebra na nais makakuha ng back-to-back Fiesta Conference championships.
Ang San Miguel ang winnigest team sa liga ngunit masama ang kanilang record.
Natalo ang Beermen sa kanilang huling tatlong Game Sevens at 2-4 overall sa do-or-die affairs samantalang parehong naipanalo ng Ginebra, ang dalawang Game Seven.
Pero walang ibig sabihin ang mga record na ito kay Tangquingcen.
“God put us in the situation to test us. It’s how we respond to adversity. That would define us as an individual and as a team,” sabi ni Tanquingcen.
Natalo man sa Game-6 kumpiyansa pa rin si Uichico.
”Entering the series, I didn’t really expect for us to set the pace. I was thinking if it would be a quick one, it would San Miguel. We have a better chance if it’s a long series,” aniya.
Naniniwala si Uichico na maaari pa rin nilang iuwi ang titulo ngayon.
”Now we’re here. Having a 50-50 percent chance of winning isn’t bad. It didn’t happen Wednesday. It might happen Friday,” dagdag niya.
Matapos buksan ng ng Ginebra ang serye sa pamamagitan ng 102-96 panalo, see-saw battle ang nangyari sa serye.
Ipinagkait ng Beernen ang titulo sa Gin Kings mata-pos ang 98-84 panalo sa Game-6 noong Miyerkules na nagpuwersa ng deciding Game-7. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending