MANILA, Philippines - Kundi lamang sa pagiging gahaman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ay naitakda na sana ang kanilang banggaan ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.
Ito ang ginawang paninisi kahapon ni American world five-division champion Floyd Mayweather, Jr. kay Arum na mas pinili si Puerto Rican world welterweight titlist Miguel Angel Cotto para makatagpo ni Pacquiao.
"If he wouldn't be so greedy, that fight would happen. Arum wants a 50-50 purse split, that's why we'll never get that fight," wika ni Mayweather kay Arum na dati niyang promoter bago niya bilhin ang kanyang sariling kontrata para pamahalaan ang kanyang boxing career.
Matatandaang isa ang pangalan ng 32-anyos na si Mayweather sa mga naikunsidera ng Team Pacquiao matapos umiskor ng isang second-round TKO kay Briton Ricky Hatton noong Mayo 3.
Ipinilit ni Arum ang 50-50 percentage split nina Pacquiao at Mayweather na pinalagan naman ng dating 'pound-for-pound' champion.
Kasalukuyang naghahanda si Mayweather sa kani-lang non-title fight sa Setyembre 19 matapos makansela sa orihinal nitong petsa na Hulyo 18 dahilan sa rib injury ng una.
Ayon kay Mayweather, kung gusto siyang labanan ni Pacquiao ay maaari niyang bayaran ang 35-anyos na si Marquez para umurong sa kanilang laban.
"He never said he wants to fight me. You don't hear fighters calling me out and if they do it, it's because they only want a payday," ani Mayweather kay Pacquiao. "If Manny really does want to fight me all he's got to do is say it. We can pay Marquez to step aside. We can pay him $1 million."
Idinagdag ni "Pretty Boy" na mananatili pa rin ang 30-anyos na si "Pacman" sa kanyang likuran kung kasikatan at kahusayan ang pag-uusapan.
"When he got beaten by Erik Morales I was still at the top of my game. He hasn't done anything that I haven't done. He just followed behind me," wika ni Mayweather kay Pacquiao.
Matapos talunin si Oscar Dela Hoya via eight-round TKO sa kanilang non-title welterweight bout noong Dis-yembre ng 2008, kinilala na si Pacquiao bilang bagong 'pound-for-pound' king. (Russell Cadayona)