^

PSN Palaro

All-Star team binubuo para sa ABL

-

MANILA, Philippines – Nagbubuo ng isang All-Star team na kakatawan sa bansa sa first Asean Basketball League na magbubukas sa Oktubre 1 sa Singapore.

Sa ngayon, ang koponan ay binubuo na nina ex-PBA superstars tulad nina Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Vergel Meneses, Samboy Lim at Johnny Abarrientos. May representasyon din sa koponan sina Robert Jaworski at Ramon Fernandez.

At ang pinakaaabangan dito sa pagbuo ng koponan para sa home-and-away league ay ang pagkuha kay Billy Ray Bates, na tinaguriang “The Black Superman” ang pinakasikat at pinakamagaling na import sa PBA.

“There are two objectives in forming this team -- to form a competitive team that can win the championship and entertain the Filipino overseas workers,” wika ni ABC-5 official Bobby Barriero sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue.

Kinatawan ni Barriero ang negosyanteng si Tony Boy Cojuangco na buo ang suporta sa koponan kasama si Harbour Centre owner at basketball patron Mikee Romero na nangakong gagawing “very exciting” para sa team at Pinoy cage fans.

Inilunsad kamakailan ang ABL sa Kuala Lumpur. Ito ay brainchilde ni Tony Fernandes, isang matagumpay na Malaysian entrepreneur na nasa airline at hotel business.

Anim na bansa na ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon--ito ay ang Philippines, Brunei, Indonesia, Malaysia, Thailand at Singapore.Ang mga laban ay ilalaro sa bawat miyembrong bansa.

Napiling magcoach sa team si Louie Alas at team manager naman si Erik Arejola. (SNFrancisco)


vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BENJIE PARAS

BILLY RAY BATES

BLACK SUPERMAN

BOBBY BARRIERO

ERIK AREJOLA

HARBOUR CENTRE

JOHNNY ABARRIENTOS

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with