Cerna kampeon sa RP Junior Pool

MANILA, Philippines – Tinanghal na kampeon si John Carlo Cerna ng Pasay City matapos gibain si Zoren Bantayan ng San Pedro, Laguna, 11-6, sa finals ng 3rd Philippine Juniors Pool championship na ginanap sa Star Billiards Center.

Dahil sa tagumpay, tumanggap si Cerna ng P50,000 premyo at higit sa lahat ang karapatang kumatawan sa bansa sa WPA Junior’s World 9-Ball Championships sa November 4-8 sa Managua, Nicaragua at puwesto sa 2009 WPA World Ten Ball Championships sa November 21-29 sa Cebu City.

“Nagbunga din ang ginawa kong paghahanda,” ani Cerna, na tinalo ang tournament favorite na si Jonas Magpantay, 9-6, sa cross-over semifinal round.

Ibinulsa naman ni Bantayan ang runner-up prize na P25,000 sa kanyang pagsisikap. Kinaila-ngan ding dispatsahin ni Bantayan si Jestoni Magadia ng Cebu, 9-4, sa isa pang semifinal duel para umusad sa championships round.


Show comments