^

PSN Palaro

DLSU Green Archers pinasikatan ng UE Red Warriors

-

MANILA, Philippines - Nagdadalamhati pa sa pagkamatay ni UE representative Brenn Perez, hindi hinayaan ng UE Red Warrios na makaapekto ito sa kanilang kampanya at bigyan ng magandang debut si Lawrence Chongson bilang coach sa pamamagitan ng 65-46 pamamayani laban sa De La Salle University sa panimula ng UAAP basketbal tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Ramdam na ramdam naman ng Green Archers ang pagkawala ng mga pambatong players nila na sina JV Casio, PJ Walsham at Rico Maierhofer na pawang nagsipagtapos na sa DLSU.

Binanderahan ni Pari Llagas ang bandila ng Red Warriors sa kanyang kinamadang 15 puntos at 7 rebounds, pero inagaw ni Paul Lee ang eksena nang humataw ito ng 11 puntos, 7 assists at 6 rebounds para sa kanyang all-around performance.

“For me, Paul Lee is my boy. He delivered us in a lot of wins in the PBL and I hope he will continue it sa UAAP,” wika ni Chongson, na pumalit kay dating UE coach Dindo Pumaren, na nasa La Salle na at assistant ng nakakatandang kapatid na si Franz Pumaren.

Samantala, nagpakita ng kahusayan sa unang arangkada si Khasim Mirza nang maglista ito ng 23 puntos at dalhin ang University of Santo Tomas tungo sa buwenamanong 76-75 panalo laban sa Adamson University sa unang sultada.

Makaraang makapagposte ng bentaheng 75-69, nanahimik ang Growling Tigers na naging daan upang makalapit ang Falcons, 73-75 makaraang tumirada sa foul line ni Jerick Cañada, may 58 tikada sa orasan.

Ngunit nagpakawala naman ng tres ang rookie na si Roider Cabrera para sa iskor na 76-73 para sa Uste at hindi hinayaang makuha ng Falcons ang bentahe na sinundan pa ng split ni Allen Maliksi may 14.1 na lamang ang nalalabi.

Hindi sumuko ang Falcons at nagtangka itong ha-takin ang laban sa overtime ngunit muling tumirada ng tres si Cabrera na sinundan ng followup ni Jan Colina para sa pinal na iskor.

 Bagamat hindi gaanong nakalaro ang pambato ng Uste na si Dylan Ababou bunga ng cramps, naglista pa rin ito ng 10 puntos at 7 rebounds habang nagrehistro din ng 11 puntos si Tata Bautista para sa Tigers.

 “Kahit paano ay satisfied ako sa inilaro ng mga bata, I’m sure gaganda pa ang laro nila sa mga susunod na games,” wika ni UST coach Pido Jarencio.

 Bumandera para sa Falcons si Colina sa kanyang 16 puntos at 16 rebounds na produksiyon habang nag-ambag naman si Cañada ng 14 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Isang simple ngunit madamdaming opening ceremonies ang naghudyat sa pagbubukas ng ika-72 edisyon ng UAAP kung saan binigyan ng maikling dasal si Roland ‘Brenn’       Perez, representative ng UE sa UAAP Board dahil sa atake sa puso.

Ang 51-anyos na si Perez ay nagsilbing athletic director ng Recto-based school sa loob ng mahigit 20 taon. (SNFrancisco)


ADAMSON UNIVERSITY

ALLEN MALIKSI

ARANETA COLISEUM

BRENN PEREZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

DINDO PUMAREN

DYLAN ABABOU

FRANZ PUMAREN

PAUL LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with