MANILA, Philippines – HIndi namintina ni Antonio Gabica ang kanyang pananalasa at yumuko kay dating world champion Mika Immonen ng finland, 11-3 sa semifinals ng 2009 Qatar International 9-Ball Pool championship sa Qatar Biliards and Snooker Federation sa Doha Qatar noong Lunes ng gabi.
Tinalo naman ni reigning two-time World Junior Champion Ko Pin-yi ng Chinese-Taipei si 2008 World Ten Ball Champion Darren Appleton ng Great Britain, 11-8, para makapuwersa ng titular showdown kay Immonen.
Sina Gabica at Appleton ay kapwa tumanggap ng tig US$10,000 matapos makapasok sa final four sa US$150,000 total pot prize tournament.
Nakopo naman ni Immonen ang Qatar 9-ball Open title at $40,000 ng talunin si Ko, 13-9, sa finals noong Lunes ng gabi. Ito lamang ang natamong pagkatalo ng batang si Ko habang undefeated naman sa event na ito si Immonen. Tinanggap naman ni Ko ang runner-up prize na US$20,000 sa kanyang pagsisikap.