Escudero, nanawagan sa lahat ng NSAs na pansamantalang itigil ang awayan

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si opposition Senator Francis “Chiz” Escudero sa mga iba’t ibang nagkakagulong National Sports Association na pansamantalang isantabi ang kanilang away at ituon ang pansin sa paghahanda para sa 25th Southeast Asian Games sa Laos sa December.

“I know that what I’m asking for maybe next to impossible. But if they all truly have the best interests of the nation at heart, then I see no reason why they will not come together now to ensure a decent finish for our athletes in Laos,” aniya.

“I call on the leaders of the Philippine Sports Commission (PSC) and the Philippine Olympic Committee (POC) to take the lead in forging a truce between rival groups,” dagdag pa ni Escudero.

Si Escudero, isa sa pinakabatang senador na may malalim na pagmamahal sa sports, ay umapela matapos malaman kay RP chef de mission Mario Tanchangco na hanggang ngayon ay wala pang aktuwal na komposisyon ang Philippine Team.

Sinabi ni Tanchangco, pinuno ng sepak takraw association, na bagamat nagbigay na ng maximum na bilang ng atletang isasabak sa organizers, wala pang opisyal na pangalan ng mga atleta sa official roster sa Laos Games.

“Our athletes are practically in limbo. There are only 151 days left before the Games begin. Even the best of our athletes need to know if they are going to the Laos,” ani Escudero.

Hiniling din ni Escudero sa PSC na bigyan ng kaukulang suporta ang mga atleta, coach, at support staff na magiging bahagi ng de-legasyon ng bansa sa Laos.

“We were champions in 2005, but we bombed out in 2007. If we get our acts together now, we might still be able to inspire our athletes to perform well despite the odds,” aniya.

Noong 24th SEA Games sa Thailand noong 2007, pang-anim lamang ang Philippines na may 42 golds mula sa 260 gintong medalyang nakataya.

May 25 sports disciplines na paglalabanan sa Laos kung saan ang soft tennis ay isang demonstration event. Sa kabuuan, may 391 gold medals ang paglalabanan. Ang deadline ng pagsusumite ng lineup sa Laos organizers ay sa Setyembre.


Show comments