^

PSN Palaro

Carter umeksena sa Cebu City leg

-

MANILA, Philippines – Hindi naging sagabal sa mga mata ni Ma-delyn Carter ang maningning na karera na dinaluhan nina Sen. Pia Cayetano, dating movie and television personality Donna Cruz-Larrazabal sa Iron Lady at beteranong triathlete Ani De Leon ang pagharurot sa finish line ng ginanap na Milo Marathon elimination sa tinaguriang Queen City of the South.

Inilista ng reyna sa long distance run ng Cebu na si Carter ang kanyang ikalawang sunod na panalo at mapanatili ang titulo sa Cebu elimination ng Milo marathon 21K noong Linggo sa Cebu Sports Center.

Naorasan ang 29 anyos na asawa ng Australian na si Nick Carter ng isang oras, 31 minuto at 18 segundo upang lagpasan ang dating tinakbo.

“I had better preparation this year compared to last year,” wika ni Carter. “I trained for eight weeks to get myself in good condition.”

Naungusan ni Carter si Jennifer Belocura, na dumating sa finish pagkalipas ng walong minuto sa likuran ng kampeon. Ikatlo naman si Lornis Echaves, 1:47.11.

“This year’s event is more challenging. I was up against Jennifer, who is also a champion in Cebu and other competitive runners like Senator Pia, Ani and Donna Cruz. But I wasn’t thinking of them. I’m just focused on winning,” ani Carter.

Natabunan ng aksiyon ng kababaihan ang kalalakihan na pinagharian ni Mendel Lopez.

Si Lopez, miyembro ng RP training pool, na nagsanay para sa karerang ito simula noong Pebrero, ay umalagwa ng maaga at hindi na muling lumingon pa para magsumite ng pinakamabilis na oras na  1:11.11.

Naungusan ng University of Southern Philippines Foundation Geodetic Engineering graduate ang mahigpit na kalaban na sina 2006 Cebu leg champion Eugene Delposo at Adonis Singson. Pumangalawa si Delposo, 1:15:07 at ikatlo si Singson.


ADONIS SINGSON

ANI AND DONNA CRUZ

ANI DE LEON

BUT I

CEBU

CEBU SPORTS CENTER

DONNA CRUZ-LARRAZABAL

EUGENE DELPOSO

IRON LADY

JENNIFER BELOCURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with